Putin, nagbabala tungkol sa pagdagsa ng mga militanteng Afghan na nagpapanggap na refugees
MOSCOW, Russia (AFP) – Hinimok ni Russian President Vladimir Putin ang mga Ruso na iwasan ang pagdagsa ng refugees mula sa Afghanistan matapos ang pag-takeover ng Taliban, sa pagsasabing maaaring makapasok ang mga militante na magpapanggap na refugees.
Ayon kay Putin . . . “Our Western partners are persistently raising the question of placing refugees in Central Asian countries before obtaining visas to the United States or other countries. But who is among these refugees? How can we know?”
Aniya, ilang dating Soviet republics sa Central Asia ay may border kapwa sa Afghanistan at Russia, kung saan pinapayagan nilang makapasok ang mga militante na nagkukunwang refugees.
Ngayong araw (Lunes) ay tatalakayin ng Collective Security Treaty Organisation (CSTO), isang military alliance ng ilang dating Soviet republics na pinamumunuan ng Russia, ang tungkol sa Afghanistan sa pamamagitan ng online summit.
Agence France-Presse