Qatar, lalahok sa European qualifying para sa 2022 World Cup
DOHA, Qatar (AFP) – Maglalaro ang World Cup 2020 hosts Qatar sa Union of European Football Associations (UEFA) qualifying, at ilalagay sa isa sa five-team groups.
Layunin ng desisyon na bigyan ang Qatar ng kinakailangang paghahanda para sa global soccer performance, na nakarakdang ganapin sa Nobyembre at Disyembre, 2022.
Ayon sa Qatar Football Association (QFA), ang Qatar ay ibibilang sa Group A, kasama ng Portugal, Serbia, Republic of Ireland, Luxembourg at Azerbaijan.
Ang Qatar ang maglalaro kapalit ng team na naka “rest day” sa bawat round ng matches.
Sinabi ng QFA, na bilang susunod na Fédération Internationale de Football Association (FIFA) World Cup host nation, kwalipikado na ang Qatar para sa torneo, ibig sabihin anumang resulta sa qualifying ay hindi na magiging batayan para sa kwalipikasyon.
Ang European qualifying competiton ay magsisimula sa Marso, kung saan 13 mga bansa mula sa kontinente ang lalahok sa 32-team finals.
Magkakaroon ng three rounds sa Marso, tatlo rin sa Setyembre at tig dalawa naman sa Oktubre at Nobyembre.
Tanging ang mga magwawagi lamang sa 10 grupo ang awtomatikong magku-qualify para sa finals, na gaganapin naman sa Nobyembre at Disyembre, 2022.
Lumahok na rin ang Qatar sa iba pang torneo na inilunsad ng iba pang mga pederayon bukod sa sarili nilang Asian-region AFC, kung saan naglaro na ito sa Copa America noong 2019 na muli nilang lalahukan sa 2021.
© Agence France-Presse