QC Government, namahagi ng e-trikes sa mga barangay
Namahagi ng 35 mga e-trikes ang Quezon City Government sa mga qualified members ng Lipa Toda at LC Toda mula sa Barangay Payatas at Barangay Commonwealth.
Kabilang sa mga nakatanggap ng e-trikes ay ang mga vulnerable sector ng lungsod na naapektuhan ng African swine fever ang negosyo, mga jeepney driver na pumasa sa assessment na isinagawa ng mga naturang mga barangay.
Nauna rito, ang mga pinagkalooban ng nabanggit na e-trikes ay sumailalim muna sa pagsasanay na pinangunahan ng Department of Public Order and Safety.
Ayon sa QC LGU, kabilang ito sa ilang hakbang ng City Government upang matulungan ang mga apektadong QC resident kasabay ng nararanasang Covid-19 Pandemic.
Belle Surara