QC Gov’t. sisimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng Cash Assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo
Alas-11:00 ngayong umaga, inaasahang sisimulan na ng Pamahalaang Panglunsod ng Quezon ang pamamahagi ng ayuda o financial assistance sa mga kwalipikadong residente.
Ayon sa City Government, 40 Barangay ang target nilang mabigyan ngayong araw na nagkakahalaga ng tig-1,000 piso bawat indibidwal o 4,000 piso naman kung apat ang miyembro ng pamilya o higit pa.
Pero nilinaw ng QC Local Government na limitado muna ang mga papupuntahin sa bawat Distribution center upang matiyak na nasusunod ang Health protocol.
Ipapaskil sa bawat Barangay ang listahan ng mga benepisaryo at ilalagay din sa official page at website ng QC government.
Ang mga kwalipikado ay kailangang magdala ng valid ID na may pirma at dalawang photocopy ng valid ID na mayroong tatlong lagda.
Ipapamahagi naman ang ayuda sa natitirang 102 Barangay sa susunod na mga araw.
Belle Surara