QC LGU, hinikayat ang mga residente na lumahok sa Grupong KilKoVid
Nakipagpartner ang Quezon City government sa isang multi-sectoral organization sa layuning mapalakas pang lalu ang ginagawang paglaban sa Covid-19 Pandemic.
Kaugnay nito, hinihikayat ng QC government ang mga residente ng lungsod na maging miyembro ng Kilusang Kontra Covid Alliance (KilKoVid).
Ang Kilkovid ay isang koalisyon ng mga concerned citizens at organisasyon na pinamumunuan nina Dr. Tony Leachon, former adviser ng Special Task Force on Covid-19, bilang Chairman at si Atty. Dot Gancayco bilang President.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na naniniwala siya na sa pagtutulungan at pagkakaisa unti unting makakamit ang tagumpay sa paglaban sa pandemyang nararanasan sa kasalukuyan.
Ayon pa sa alkalde, ang sa ilalim ng kasunduang nilagdaan, tutulong ang Kilkovid sa lokal na pamahalaan upang mapababa ang kaso ng Covid-19 sa lungsod.
Bukod dito, inaasahan ng City government na magkakaloob ng assistance ang Kilkovid sa mga QC residents upang magkaroon ng pagkakakitaan sa panahon ng pandemya
Belle Surara