QC, muling nagpaalala na bawal ang “walk-in” sa vaccination sites
Muling nagpaalala ang Quezon city government sa mga residente na bawal ang walk-in sa mga vaccination site.
Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Joy Belmonte matapos ang mga video footage ng pagtitipon-tipon ng maraming tao sa mga bakunahan dahil sa mga nagpakalat umano ng fake news na puwede ang walk-in sa mga site.
Ayon sa alkalde, may maayos na sistema na ipinatutupad sa lungsod sa pagbabakuna at kailangan magregister muna sa QCVax Easy at maghintay ng kanilang schedule.
Babala ng alkade sa mga nagpapakalat ng fake news na mahaharap sa kasong Reckless Endangerment, paglabag sa Cybercrime Law, at Unjust Vexation.
Umapila rin si Belmonte sa Law Enforcement agencies ng gobyerno na imbestigahan ang mga pasimuno ng pagpapakalat ng maling balita para masampahan ng kaukulang kaso.
Nanawagan din siya sa mga social media platform na tulungan silang i-ban ang mga fake news na naglalagay sa panganib sa kalusugan ng mga residente.
Statement Mayor Joy Belmonte:
“Accordingly, I would like to make the following requests: to those spreading this fake news (for whatever malicious reason), makonsensya naman kayo. You are literally endangering the lives of countless men, women, and children. Kung hindi kayo madadala sa pakiusap, kaso ng reckless endangerment, violation ng Cybercrime Law, at unjust vexation ang ihaharap namin sa inyo. To this end, I would like to appeal to our national law enforcement agencies to investigate these posts, and file the necessary charges”.