QC, nakapagtala ng higit 45,000 na mga nabakunahan kahapon
Muling nakapagtala ng record-high ang Quezon City sa bilang ng mga naturukan sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa city government, umabot sa 45,136 doses ang mga naiturok sa mga residente kahapon, June 23.
Muling kinilala ng lokal na pamahalaan ang sakripisyo at dedikasyon ng mga health worker at mga staff volunteers na tumutulong sa vaccination drive ng lungsod.
Samantala, muling nagpaalala ang city government na magbubukas muli ng slots sa online booking kapag may dumating na dagdag na supply ng bakuna.
Ayon QC LGU, ang scheduling sa online man o barangay-assisted ay nakadepende sa bakunang inilalaan ng national government, habang hinihintay pa ang pagdating ng ating biniling bakuna.
Ngunit maaari namang magparehistro sa eZConsult o sa mga barangay.