QC, nakapagtala ng higit 97,000 mga gumaling sa Covid-19
Nasa 97.1% o 97,491 na ang mga nakarekober mula sa Covid-19 sa Quezon City.
Sa datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), hanggang June 20,2021 nasa 1,735 ang kumpirmadong active cases mula sa 100,391 kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa lungsod.
Ilan sa mga Barangay na may pinakamataas na kaso ay ang Barangay Batasan Hills na may 3,831 kabuuang kaso at 57 ang aktibong kaso.
Sumunod ang Barangay Pasong Tamo na may 3,266 total cases, Barangay Commonwealth na may 3,163 total cases, Tandang Sora-2,673 total cases, Barangay Holy Spirit- 2,524 ang kabuuang kaso, Bahay Toro na may 2,512 total cases, Culiat-2,435, Fairview-2,093, Matandang Balara-2,083, at Payatas-2,008.