QC RTC Judge Jocelyn Solis- Reyes, mayroon hanggang December 20, 2019 para ilabas ang hatol sa Maguindanao massacre case
Mayroon hanggang December 20, 2019 si Quezon City Regional Trial Court branch 221 Judge Jocelyn Solis- Reyes para ilabas ang hatol sa kaso ng Maguindanao massacre.
Batay ito sa Memorandum ni Court Administrator Jose Midas Marquez kay Reyes na may petsang November 7.
Nakasaad sa memo na makatwiran ang hiling ni Reyes na 30 araw na extension mula November 30 para maresolba ang kaso.
Pero sinabi na non- extendible o hindi na pwedeng lumagpas si Reyes sa December 20 na extension.
Samantala, umaasa naman si Justice secretary Menardo Guevarra na mailabas ng Judge ang ruling sa kaso ng mas maaga kaysa sa bagong deadline nito na December 20.
Ulat ni Moira Encina