QC, zero casualty sa bagyong Ulysses; Mga evacuees, umabot sa mahigit 13,000 indibidwal
Mahigit sa 3,000 pamilya at mahigit sa 13,000 indibidwal ang apektdo ng bagyong Ulysses sa may 57 Barangay sa Quezon City.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, naging masunurin ang mga residente nang magpatupad ng forced evacuation ang lunsod noong Miyerkules pa lamang kaya’t nang manalanta ang bagyo ay nasa ligtas nang lugar ang mga nasa danger zone.
Naging dahilan din ito upang maging zero casualty ang lungsod sa kabila ng matinding epektong dinanas ng mga residente sa hagupit ng bagyong Ulysses.
Nagasagawa ang lokal na pamahalaan ng pamamamahagi ng relief packs sa mga apektadong residente, pagsasagawa ng Health monitoring at Barangay listing sa bawat komunidad.
Sabi pa ni Belmonte may mangilan-ngilan lamang na mga Barangay ang hindi hindi lumikas at hindi naniwala, subalit sa kabila nito ay naging matagumpaay naman ang isinagawang paglilikas.
Nauna rito, tiniyak ng Local Government na may sapat na pagkain, modular tent at iba pang pangangailangan ang mga evacuation center sa Barangay Damayan, Mariblo at Doña Imelda, Marcel covered sa Barangay Pasong Tamo, Apolonio Samson Elementary school sa Barangay Apolonio Samson, Barangay Masambong covered court at San Francisco Elementary school sa Barangay Del Monte, Kaligayahan Elementary school sa Barangay Hall ng North Fairview, Fairview Elementary School, Vista Real Classica Subdivision, District 2, Fairview Elementary School sa Bgy. Greater Fairview.
Belle Surara