Qinghai province sa China, tinamaan ng malakas na lindol
Isang malakas na lindol na may magnitude na 6.6, ang tumama sa remote northwestern Qinghai province ng China kaninang umaga.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang sentro ng lindol na tumama bandang 1:45 ng madaling araw (local time) at may lalim na 10 kilometro o anim na milya, ay nasa 140 kilometro hilaga-hilagangkanluran ng lungsod ng Xining.
Sinundan ito ng isang 5.1-magnitude na aftershock, mga 25 minuto makaraan ang unang pagyanig.
Ayon sa China Earthquake Networks Center, ang lindol ay may sukat na 6.9-magnitude.
Sa assessment ng USGS, sinabi nito na . . . “There is a low likelihood of casualties, however there was a likelihood of significant damage.”
Babala ng US agency . . . “The population in rhis region resides in structures that are highly vulnerable to earthquake shaking, though some resistant structures exist.”