Quarantine classification sa NCR Plus, iaanunsyo ni PRRD mamayang gabi
Ihahayag mamayang gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang isasagawang Talk to the People ang magiging Quarantine classification sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang magkakaroon ng pagbabago sa Quarantine classification ay ang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ dahil ito ay hanggang May 14 lamang ang bisa.
Ayon kay Roque ang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay hanggang May 31 pa ang bisa ng pag-iral ng Quarantine protocol.
Inihayag ni Roque na inirekomenda na ng Inter Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Duterte para desisyunan ang bagong Quarantine classification sa NCR Plus.
Niliwanag ni Roque ang rekomendasyon ng IATF sa Pangulo para sa bagong Quarantine classification ng mga lugar na nasa ilalim ng MECQ ay nakabatay sa formula kung ilan ang daily attack rate ng COVID-19 sa loob ng dalawang linggo at ang Health care response capacity ng mga ospital sa mga tinatamaan ng Covid-19.
Vic Somintac