Quarantine facility ng PCG inaasahang matatapos na sa susunod na linggo
Inaasahang matatapos na sa susunod na linggo ang itinatayong Quarantine facility ng Philippine Coast Guard.
Ang nasabing pasilidad ay una ng tinarget na matapos nitong Setyembre.
Pero tinamaan ng covid-19 ang ilan sa gumagawa nito kaya pansamantalang natigil ang konstruksyon upang mabigyan sila ng panahon na makarekober sa sakit.
Ayon sa PCG, ang quarantine facility na ito ay kayang makapag accommodate ng 250 katao.
Magsisilbi itong isolation area para sa frontline personnels ng PCG ma nagpositibo sa COVID-19 habang ginagampanan ang kanilang trabaho sa gitna ng pandemya.
Sa isang statement, sinabi ng PCG na nagpapasalamat sila na makakasabay ng kanilang selebrasyon ng 119th founding anniversary ang pagbubukas ng kanilang sariling quarantine facility.
Ang PCG ang isa sa mga frontline government agencies na tuloy parin ang trabaho sa gitna ng covid-19 pandemic.
Madz Moratillo