Quarantine pass, hindi na kailangan para sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified ECQ
Hindi na kakailanganin ang quarantine pass sa lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito ang ipinahayag ni Metro Manila Council (MMC) chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez kasunod ng pagsasailalim sa Metro Manila sa MECQ simula bukas, August 21 hanggang 31.
Samantala sinabi ni Olivarez na pag-uusapan pa ng Metro Mayors kung babaguhin ang curfew hours sa NCR pero sa ngayon ay mananatili muna ang 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga na curfew.
Binigyang-diin ni Olivarez na nasa mga LGU na ang kapangyarihan upang magpatupad ng granular lockdowns sa kani-kanilang mga lugar kung may pagtaas ng kaso ng Covid-19.