Queen Elizabeth II, hindi nasaktan nang bakunahan
LONDON, United Kingdom (AFP) —Sinabi ni Queen Elizabeth II, na hindi masakit ang bakuna laban sa COVID-19, at hinimok ang mga nag-aalinlangang magpabakuna na isipin din ang ibang tao.
Ang 94-anyos na reyna na binakunahan kasama ng kaniyang asawang si Prince Philip noong Enero, ay nagsabing protektado na ngayon ang kaniyang pakiramdam.
Ayon kay Queen Elizabeth II . . . “It was very quick, and I’ve had lots of letters from people who have been very surprised by how easy it was to get the vaccine. And the jab –- it didn’t hurt at all. Once you’ve had the vaccine you have a feeling of, you know, you’re protected, which is I think very important. It is obviously difficult for people if they’ve never had a vaccine… but they ought to think about other people rather than themselves.”
Higit 18 milyong katao sa magkabilang panig ng Britanya ang nabigyan na ng bakuna bilang bahagi ng vaccination drive, na nakikitang mahalagang hakbang sa pagharap sa isa sa pinakamalubhang outbreak ng sakit sa buong mundo, na ikinamatay na ng higit 122,000.
Ang sakit ay tinawag ng reyna na isang “salot” at pinuri ang pambihirang bilis ng paglulunsad ng vaccination program.
Ang panganay na anak ng reyna at tagapagmanang si Prince Charles, 72, na nakaranas ng mild dose ng COVID-19 noong isang taon, ay nabakunahan na rin, maging ang pangalawa nitong asawa, ang 73-anyos na si Camilla.
Sinabihan naman ng reyna ang health leaders na ipagpatuloy lang ang magandang nasimulan, at ikinumpara ang pandemya sa World War II.
Ayon sa reyna . . . “Well, having lived in the war, it’s very much like that, you know, when everybody had the same idea. “And I think this has rather, sort of, inspired that — hasn’t it?”
Samantala, ang 99-anyos na si Prince Philip ay kasalukuyang nasa ospital para gamutin ang kaniyang hindi pangkaraniwang impeksyon, ngunit wala iyong kaugnayan sa COVID-19.
© Agence France-Presse