Quezon City LGU muling nagbakuna sa mga health workers at may comorbidities
Ipinagpatuloy ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa persons with comorbidities at iba pang healthcare personnel.
Sa bawat vaccination sites ay target na makapagbakuna ng 500 residente sa loob ng isang araw.
Sa District 6, isa sa pinagsagawaan ng COVID vaccination ay sa New Era Elementary School.
Ang CoronaVac ng Sinovac ang itinurok sa mga may comorbidities at sa remaining health workers na may edad 18 hanggang 59 years old.
Ang may comorbidities ay tumutukoy sa mga may sakit na hypertension, diabetes, tuberculosis, chronic kidney at respiratory disease at iba pang karamdaman na nangangailangan ng maintenance medicine.
Sa pinakahuling datos ng city government, umabot na sa mahigit 25,400 ang nabakunahan na medical frontliners, senior citizens, at mga may comorbidities sa Quezon City.
Nasa 10,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.
Moira Encina