Quezon City RTC, ibinasura ang kasong estafa thru falsification of Public documents laban kay Wellmed Dialysis center co-owner Bryan Sy
Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court branch 219 ang kasong estafa thru falsification of public or official documents laban kay Wellmed dialysis center co -owner Bryan Christopher Sy dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.
Sa desisyon ni Branch 219 Presiding Judge Janet Abergos- Samar, kinatigan nito ang motion to quash na inihain ng kampo ni Sy.
Ayon sa hukom, ang Metropolitan Trial Court ang may hurisdiksyon sa kaso at hindi ang RTC.
Paliwanag ng judge ang first level courts gaya ng MTC ang mayroong eklusibong hurisdiksyon sa mga kasong may parusang hindi lalagpas sa anim na taong pagkakakulong habang ang RTC naman ang may hurisdiksyon sa mga lagpas sa anim na taong parusa.
Tinukoy sa desisyon na ang parusa sa kasong estafa thru falsification of public documents ay may parusang hindi lalagpas sa anim na taong pagkakabilanggo kaya ang may hurisdiksyon dito ay ang first level courts.
Nilinaw naman sa desisyon na maari pang usigin at isampa sa MTC ang mga kaso laban sa wellmed owner.
Ulat ni Moira Encina