Quiapo binalot na naman ng tensiyon dahil sa dalawang naiwang bagahe

Panandalian na namang binalot ng  tension ang Quiapo, Maynila matapos na may matagpuang  dalawang bag malapit sa Golden Mosque.

Nakita ang isang itim na bag at kulay rosas na bagahe malapit sa poste ng mga pulis ng Manila Police District.

Nagtanong ang mga pulis at opisyal ng barangay kung kanino ang mga bagahe ngunit walang umako sa mga ito.

Binuksan ng Barangay ang mga bagahe at nakitang mga damit lamang ang laman nito.

Makalipas ang ilang minuto, dumating ang may-ari.

Ayon sa may-ari ng bag, hindi niya intensyon na manakot.

Nagpadala na ng mahigit ng 400 pulis sa Quiapo, dahil sa dalawang pagsabog na nangyari noong Sabado.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *