Quirino Grandstand, pinanatiling malinis sa gitna ng peace rally
Dalawang trak ng basura ang katuwang sa pagpapanatiling malinis ng buong paligid ng Quirino Grandstand, na pagdarausan ng National Rally for peace.
Sa panayam ng NET25 News, alas kuwatro ng umaga umalis ang team ng mga garbage collector mula sa Vitas Manila Sanitary Landfill sa Tondo Maynila.
Disiplinado anila ang mga nagtitipon sa Quirino Grandstand, katunayan ay hindi sila nahirapang mangolekta ng mga basura na ang karamihan ay basyo ng bottled water.
Maghapong mag-iikot at magbabalikan sa Vitas Landfill ang team, na nagsabing hindi naman sila nahirapang bumiyahe dahil pinararaan naman sila ng mga katuwang sa pagbabantay sa daloy ng trapiko.
Samantala, bukod sa mga trak ng basura ay may mga street sweeper din na katuwang sa paglilinis sa paligid ng Grandstand.
Wej Cudiamat