Quirino Province Medical Center (QPMC), nagsagawa ng Information Dissemination and Simulation Exercise (SIMEX) on COVID-19 Vaccination
Bilang pinakamalaking pagamutan sa buong probinsiya, nagpakita ng kahandaan ang Quirino Province Medical Center (QPMC) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Information Dissemination and Simulation Exercise (SIMEX) on COVID-19 Vaccination, na pinangunahan nina Hospital Chief Dr. Roger Baguioen at Deputy Chief Dr. Margaret Jean De Guzman.
Layunin ng programa na matiyak na maipatutupad ang mga maagap na hakbang, maayos na pagbabakuna at kahandaan ng mga mangunguna sa naturang aktibidad.
Batay sa hospital setting prioritization, uunahing bigyan ng COVID-19 vaccine ang mga kabilang sa kategoryang “very high risks,” “high risks,” “health workers,” “direct contact,” “low to moderate risk,” “no face to face patient contact,” at lahat na nang mga nais magpabakuna.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak kung ilang libong bakuna ang bibilhin ng Provincial Government ng Quirino, dahil ipinagpapatuloy pa ang registration ng mga babakunahan.
Ulat ni Edel Allas