R & D Program ng DOST, lalo pang paiigtingin sa 2021
Palalakasin ng Department of Science and Technology O DOST sa taong ito ang kanilang Research and Development o R & D.
Sinabi ni DOST Sec. Fortunato dela Peña na pagtutunan nila ang agriculture, health, at energy sectors.
Binigyang diin ng kalihim na ito ang kanilang napiling pagtuunan ng pansin dahil may malaking epekto ito sa ekonomiya ng bansa.
Bukod dito, ang R & D ay may malaking suporta sa pangkalahatang pag-unlad ng bansa at ambag sa mga bagong kaalaman na mapapakinabangan ng maraming Pilipino.
Inihalimbawa ni dela Peña na sa sector ng agrikultura, palalawigin ng ahensya ang coconut hybridization program, sa pakikipagtulungan sa Philippine Coconut Authority.
Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na kanilang susuportahan ang magiging resulta ng mga gagawing pag aaral sa mga nasabing sector lalo na ang mga nagnanais na magtayo ng negosyo upang lalong matulungang makabangon ang mga kababayan natin na ang kabuhayan ay naapektuhan ng COVID -19 pandemic.
Belle Surara