Rabies awareness month, ginunita sa Pangasinan
Bilang paggunita sa rabies awareness month, ay pinaigting ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang pgbabakuna sa mga alagang hayop.
Namigay ng libreng bakuna sa mga alagang hayop ang mga kawani ng Dept. of Agriculture, kasama ang Provincial Veterinary na si Dr. Arcely Robeniol.
Ayon kay Dra. Robeniol, ang pagbabakuna sa mga alagang hayop ay responsibilidad ng isang pet owner.
Ang rabies awareness month ngayong buwan ay may temang “Maging Responsableng amo, huwag hayaang gumala ang mga alagang aso.”
Idinagdag pa ni Dra. Robeniol, na ang pagbabakuna ay proteksyon ng mga hayop para hindi mahawa sa iba pang mga hayop, at proteksyon din para sa mga tao dahil ang rabies ay maaaring magbunga ng pagkamatay.
Aniya, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutuklasang gamot para sa rabies.
Ulat ni Juvy Barraca