Rabies cases , tumaas – DOH
Tumaas ng 63% ang kaso ng rabies sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, mula Disyembre 17 hanggang 31, 2023 ay nakapagtala ng 13 kaso ng rabies sa kabuuan ng bansa.
Mas mataas ito sa 8 kaso lang na naitala sa unang dalawang linggo bago ito.
Kabilang sa mga rehiyon na nakitaan nang pagtaas ng mga kaso ay ang National Capital Region (NCR), Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Wester Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Bangsamoro.
Ngayong 2024 naman, mula Enero 1 hanggang 13, nakapagtala ang DOH ng pitong kaso ng rabies.
Paalala naman ng DOH sa publiko na ang rabies ay nakamamatay kahit pa alaga ang hayop gaya ng aso at pusa kung hindi naman sila bakunado.
Madelyn Villar – Moratillo