RACE program pinaigting ng SSS
Muling nag-ikot ang Social Security System (SSS) sa ilang establisyimento sa Maynila na hindi nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Bahagi ito ng Run After Contribution Evader (RACE) Program ng SSS.
Ilan sa pinuntahan ng SSS ay ang isang funenaria sa Pandacan, maintenance at repair shop gayundin ang food establishment.
Ilan sa mga establisimyentong ito ay 2016 pa huling nagbayad ng kontribusyon para sa kanilang empleyado.
Binigyan sila ng notice kung saan nakasaad na dapat ay makipag-ugnayan sila sa SSS sa loob ng 5 araw.
Aabot sa higit P800,000 kontribusyon ang hinahabol ng SSS.
Nilinaw naman ng ahensiya na hindi ito isang paraan ng pananakot sa mga employer.
Paglilinaw ni Atty. Digna de Alban, acting head ng SSS NCR West Legal Division, “Binibigyan natin ng change ang mga empooyers natin na hindi nakapag-remit ng contribution or hindi nakapag-comply sa requirement ng SSS law.”
Sinabi naman ni Carina Lorenzo, acting branch head ng SSS-Legarda Branch, “Isang programa ito ng SSS para matulungan ang mga employer ng tamang paraan, mas madali sa kanila na makipag-ugnayan sa opisina ng SSS.”
At dahil maraming establisyimento ang hindi pa nakababangon sa epekto ng pandemya, may alok daw na condonation ang SSS sa mga employer.
Ayon kay Lorenzo, “Meron din kaming offer na condonation sa penalty para makatulong sa kanila, para unti-unting maka-comply sa obligasyon sa SSS para sa mga empleyado.”
Madelyn Moratillo