Radyo Agila DZEC, number 1 na sa hapon batay sa Nielsen survey
Nasungkit na ng Radyo Agila DZEC 1062khz ang pagiging top-rated AM radio station sa Mega Manila para sa mga programa nito sa afternoon block at sa ilang programa sa weekend.
Batay ito sa Nielsen survey na isinagawa nitong Enero 2023. Bago ito, ang Radyo Agila DZEC ay napabilang sa top 3 AM radio stations sa Mega Manila para sa buong taon ng 2022.
Ang pangunguna ng DZEC sa afternoon block ay pinangunahan ng programang Serbisyo ng Agila, isang public service program hosted by Glen Gatus, mapapakinggan mula 2PM hangang 3PM, sinundan ng Eagle in Action, mula 3PM hanggang 4PM, hosted by Allan Hobrero na sinundan pa ng programang Siyento Porsiyento, isang matalas subalit masayang programang pambalitaan mula 4PM hanggang 5PM hosted by Gen Subadiagam at ng programang Bantay Lansangan na tumatalakay sa air, sea, at land travel, hosted by Glen Gatus and Ariel Fernandez mula 5PM to 6PM.
Sa weekend,, nanguna rin sa ratings ang ilang programa ng Radyo Agila DZEC 1062khz. Top rated tuwing Sabado ang “Edu Aksyon”, hosted by Laila Tumanan na sumasahimpapawid mula 11AM hanggang 12NN, gayundin ang kasunod nitong programa na Radyo Agila sa Amerika, hosted by Don Orozco, mula 12NN hanggang 1PM, na sinundan pa ng programang Gitara mula1PM hanggang 1:30PM, Kahit Linggo ay naging top rated pa rin ang Gitara mula 10AM hanggang 11AM, at number 1 rin sa ratings ang “Kantahanan Na, mula alas dose hanggang ala una ng hapon.
Nagpahayag naman ng pasasalamat sa mga radio listener ang station manager ng Radyo Agila DZEC 1062khz na si Nelson Lubao dahil sa kanilang pagtangkilik at pagtitiwala sa himpilan. Umaasa ito na lalo pang lalakas ang DZEC sa pagpasok ng mga bago pang programa ngayong 2023, isa na rito ang “Love and Everythaaang” ni Love Anover tuwing 11AM na nagsimula noong Pebrero 13 at sabayang napapanood sa Net25. Hindi rin aniya malayong makakuha ng magandang ratings ang mga programa ng DZEC sa morning block dahil sa mga powerhouse programs nito mula sa programa ng beteranong broadcaster na si Rey Langit na Kasangga Mo Ang Langit” tuwing 6AM hanggang 8AM, na sinusundan ng mga TVRadyo programs ng Net25 at DZEC tulad ng ASPN – Ano Sa Palagay Nyo nina Ali Sotto at Pat Daz na sinundan pa ng nakakaaliw na mga punto at komentaryo nina Nelson Lubao at Gen Subardiaga sa programang Sa Ganang Mamamayan tuwing 10:00 AM.