Raffy Tulfo, nangunguna pa rin sa Senatorial survey ng Pulse asia
Nangunguna pa rin ang broadcast journalist na si Raffy Tulfo sa pagka-Senador.
Batay ito sa isinagawang survey ng Pulse asia nitong Marso.
Sa resulta ng survey nakakuha si Tulfo ng 65.6% rating na ginawa mula March 17 hanggang 21.
Gayunman, ito ay bahagyang bumaba mula sa 66.9% rating noong Pebrero at 66.1% rating noong Enero.
Si Tulfo ay sinundan ni Antique representative Loren Legarda na may 58.3%, Taguig lawmaker Alan Peter Cayetano na may 56.4%, Sorsogon governor Francis Escudero na may 54.4%, dating Public Works and Highways Secretary Mark Villar na may 52.4% at Senador Sherwin Gatchalian na may 50.3%.
Ang iba pang Senatorial aspirants na may statistical chance na manalo sa darating na botohan ay kinabibilangan nina Senador Miguel Zubiri na may 50.1%, Senador Joel Villanueva na may 43.9%, aktor na si Robin Padilla na may 42.5%, dating Vice president Jejomar Binay na may 42.5%, dating Senador Jinggoy Estrada na may 36.5% at JV Ejercito na may 35.9%.
Sinundan sila nina Senador Risa Hontiveros na may 35.6% at dating Quezon city Mayor Herbert Bautista na may 34.3%.