Ranking ng Pilipinas sa fixed broadband at mobile download speed tumaas pa
Mas bumilis pa ang fixed broadband at mobile median download speeds sa Pilipinas.
Sa September Speedtest Global Index rankings ng Ookla, sa 181 bansa ay nasa ika-46 na ngayon ang Pilipinas pagdating sa fixed broadband habang sa 139 bansa naman ay pang 85 ang Pilipinas pagdating sa mobile download speed.
Sa 50 bansa naman sa Asya, naka ika-14 na sa ranking ang Pilipinas sa fixed broadband at pang-29 sa mobile habang sa Asia Pacific ay pang-12 ang bansa sa fixed broadband at pang-17 sa mobile.
Ayon sa Ookla, mula sa 78.33Mbps noong Agosto ay bumilis sa 78.69Mbps ang fixed broadband median speed sa bansa habang mula sa 22.35Mbps mobile median speed ay umabot na ito ngayon sa 22.54Mbps.
Isa sa kampanya ng kasalukuyang Marcos administration ang matiyak ang mabilis at reliable internet connectivity hanggang sa malalayong lugar sa bansa.
Una rito, naglunsad ang Department of Information and Communications Technology ng
BroadBand ng Masa sites sa 3 malalayong barangay sa Zamboanga City.
Sa oras naman na makapasok sa bansa ang satellite-based Starlink internet service ni Elon Musk ay inaasahang mas bibilis pa ang internet service sa Pilipinas.
Madelyn Villar-Moratillo