Rapid testing sa mga frontliners sinimulan na sa Pasig city
Inumpisahan na ang rapid testing sa mga frontliners sa Pasig city.
Ayon kay Pasig city Mayor Vico Sotto, as of 1:30 pm ng Miyerkules, 309 na frontliners na karamihan ay mga healthcare workers ang nakuhanan ng test.
303 sa mga ito ay nag-negatibo sa Covid 19 habang may anim na nagpositibo sa virus.
Muli namang kukuhanan ng confirmatory test ang anim na nagpositibo sa covid.
Nilinaw ng alkalde na iba pa ang rapid testing sa PCR- based testing sa mga suspected at probable case.
Inaasahan anyang matatapos ngayong Huwebes ang backlog ng Covid test sa mga suspect at probable case.
Prayoridad aniya na mai-test ang mga suspected at probable, sumunod ang mga health workers at frontliners, ikatlo ang mga close contacts at ikaapat ang iba pang high risk.
Sinabi ni Sotto na ang binigyan ng prayoridad aa expanded testing sa Pasig ay hindi by request kundi ibinatay sa kaukulang medical protocol.
Ulat ni Moira Encina