Rappler CEO Maria Ressa, binuweltahan ng Malakanyang sa akusasyon nitong abusado sa kapangyarihan ang administrasyon

Ibinalik ng Malakanyang kay Maria Ressa ng Rappler ang akusasyon nitong abusado sa kapangyarihan ang Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si Maria Ressa ang umaaboso sa kapangyarihan bilang isang mamamahayag.

Ayon kay Panelo pinipilit ni Maria Ressa na palabasin na sinisikil ng administrasyon ang kalayaan ng pamamahayag sa bansa.

Inihayag ni Panelo malinaw ang isinasaad ng batas na ang kasong libelo ay hindi protektado ng contitutional provision on the freedom of expression.

Idinagdag ni Panelo na inaabuso ni Maria Ressa ang kanyang kalayaan sa pamamahayag para atakihin ang gobyerno.

Binigyang diin ni Panelo na huwag sisihin ni Maria Ressa ang administrasyon sa kasong kanyang kinakaharap dahil ito ay sarili niyang problema dahil sa paglabag sa libel law.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *