Rappler CEO Maria Ressa, nagpiyansa sa Korte kaugnay sa kasong Tax Evasion

Nagpiyansa sa Pasig City Regional Trial Court Branch 265 si Rappler President Maria Ressa para sa kasong tax evasion laban dito.

60,000 pesos ang ibinayad ni Ressa kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan at hindi arestuhin matapos ang Arrest Warrant na inisyu ng hukuman laban dito.

Itinakda  ng Korte ang arraignment o pagnasa ng sakdal kay Ressa sa December 7 ng alas-8:30 ng umaga.

Ang kasong tax evasion ay inihain ng DOJ sa hukuman matapos makitaan ng probable cause ang reklamo laban dito bilang presidente ng Rappler Holdings.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *