Rappler CEO Maria Ressa, nakapagpiyansa na sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law


Itinakda ng Korte ang arraignment ni Rappler President at CEO Maria Ressa sa April 10.

Kaninang umaga, inaresto ng mga pulis si Ressa pagbalik nito ng bansa mula sa ilang araw na pagbiyahe sa Estados Unidos.

Kaugnay ito ng warrant of arrest na inisyu ng Pasig RTC Branch 265 sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.

Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dinala si Ressa sa Pasig Police station para sumailalim sa booking procedures  saka dinala sa Pasig RTC para makapaglagak ng piyansa.

Ito na ang ikapitong beses na nagpiyansa si Ressa at ikalawang beses ng pag-aresto sa kanya.

Bukod kasi sa paglabag sa Anti-Dummy law, may kaso itong paglabag sa Cyber Law at hindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Ayon kay Ressa, hindi na siya nasorppresa kung nanganak ang mga kaso laban sa kaniya dahil sa umano’y pangha-harass ng gobyerno.

Maria Ressa:

Sad day for me apparently the Philippine Gov’t. isn’t satisfied with arresting just me the fact that they also included upstanding successful tech and education entrepreneur businessmen. This is a bad signal to send to the rest of the world”.

Nauna nang ipinawalang-bisa ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensya ng Rappler dahil sa umano’y paglabag sa konstitusyon nang payagan ang  foreign ownership sa mass media sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Philippine Depositary receipts sa isang dayuhang kumpanya na Omidyar.

Pero iginiit ni Ressa na bahagi lang umano ito ng pangha-harass ng gobyerno laban sa kanila dahil sa paglalantad ng mga umano’y karahasan sa kasalukuyang administrasyon.

Isa aniya itong malungkot na pag-atake laban sa press freedom at umanoy pagsikil ng gobyerno sa demokrasya.

Sa kabila nito umaasa pa rin siya na magiging patas ang mga Korte na humahawak sa kanilang kaso at paiiralin pa rin ang Rule of Law.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *