Rappler CEO Maria Ressa, pinayuhan ng Malakanyang na tigilan na ang mga reklamo at harapin ang kaniyang kaso sa Korte
Sinabihan ng Malakanyang si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa na tigilan na ang kaka-reklamo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa halip na magreklamo ay mag-concentrate na lamang si Ressa sa pagtatanggol sa kanyang sarili sa hukuman.
Inihayag ni Panelo na hindi naman naiiba si Ressa sa mga may kinakaharap na kaso na dumadaan sa due process.
Sinabi ni Panelo na nakita ng hukuman na may probable cause ang kasong paglabag sa Anti Dummy Law na isinampa laban kay Ressa kaya naglabas ng Warrant of Arrest.
Iginiit ni Panelo na walang koneksyon sa isyu ng Press freedom ang pag-aresto kay Ressa dahil mauroon siyang nilabag na batas.
Idinagdag pa ni Panelo na tigilan na ni Ressa ang pagtatago sa press freedom sa ginagawa nitong pag-atake sa administrasyon na pinaparatangan niyang nasa likod ng kasong kanyang kinakaharap ngayon.
Si Ressa ay inaresto ng mga pulis sa Ninoy Aquino International Airport sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ace Rey Pacheco ng Pasig Regional Trial Court Branch 265.
Ulat ni Vic Somintac