Rappler, kinasuhan sa DOJ dahil sa utang sa buwis
Ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue o BIR ng reklamong tax evasion sa Department of Justice o DOJ ang Rappler Holdings corporation dahil sa mahigit 133 milyong pisong hindi binayarang buwis.
Kabilang sa kinasuhan ng tax evasion ang Presidente ng Rappler holdings o RHC na si Maria Ressa at treasurer nito na si James C. Bitanga.
Ayon sa BIR, kabuuang 133.84 milyong piso ang tax liability ng Rappler.
Nabatid ng BIR na hindi nagbayad ang RAPPLER HOLDINGS ng Income Tax and Value Added Tax nang bumili ito ng common shares mula sa Rappler Incorporated na umaabot sa 19.2-million pesos.
Nag-isyu rin anila at nagbenta ang RHC ng Philippine Depository Receipts sa dalawang foreign juridical entities sa kabuuang 1.6-million pesos.
Sinabi ng BIR na bilang dealer sa Securities ay dapat nagbayad ang RHC ng income tax at value-added tax.
Pero ang annual ITR at VAT returns na inihain ng RHC sa BIR noong 2015 ay hindi ipinapakita na nagbayad ito ng IT at Vat para sa kinita nito sa Philippine Depository transactions.
Kasabay nito, sinampahan naman ng paglabag sa Section 257 (A)(2) ng tax code and Certified public accountant na si Noel Baladiang ng RG Manabat and Company dahil sa pagpirma at pag-sertipika sa financial statements ng Rappler Holdings sa kabila ng omission at mis-statement sa tunay na taxable income ng kliyente nito.
Ulat ni Moira Encina