Rationalization program ng MIAA suportado sa Senado
Suportado ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang hakbang ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa rationalization o paglilipat ng lahat ng domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Sinabi ni Poe na magandang hakbang ito para ma-maximize ang kapasidad ng mga paliparan at matiyak na magiging komportable ang mga biyahero.
Pero kailangan aniyang tiyakin ng mga airport officials at airline companies na magkakaroon ng seamless transition.
Dagdag pa ng Senadora na dapat masiguro na walang mangyayaring aberya at hindi ito magre-resulta ng delay sa biyahe ng mga pasahero.
Binigyang-diin din ng mambabatas na kailangan ang maigting na information dissemination at assistance para sa mga pasahero para magbunga ng mas maayos at episyenteng karanasan sa mga biyahero.
Meanne Corvera