Re-appointment ni Retired Supreme Court Justice Jose Catral Mendoza , inaprubahan ng CA
Inaprubahan ng Commission on appointments ang re-appointment ni Retired Supreme Court Justice Jose Catral Mendoza bilang miyembro ng Judicial and bar council na kumakatawan sa mga retired justice sa Korte suprema.
Si Mendoza ay nagsilbi na sa JBC mula 2017 hanggang 2019.
Nag-expired ang termino ni Mendoza noong July 9 ngayong taon pero muli siyang itinalaga ni Pangulong Duterte .
Ang ikalawang termino ni Mendoza sa JBC ay magpapaso sa July 9, 2025.
Bukod kay Mendoza,inaprubahan rin ng C-A ang ad interim appointment ng Philippine ambassador to Brazil na si Ambassador Mario Fontanilla kasama na ang labingwalong special envoy ng Pilipinas.
Meanne Corvera