Re-electionist Barangay Chairman at mga empleyado ng barangay kaligayahan Novaliches Quezon City sinampahan ng reklamo sa Civil Service Commission
Personal na sinampahan ng reklamo sa Civil Service Commission o CSC ang incumbent Barangay Chairman na si Freddie Roxas ng Barangay Kaligayahan Novaliches Quezon City kasama ang kanyang 10 empleyado.
Batay sa complaint affidavit ng nagrereklamo na si Rey Miranda tumatakbong Barangay Chairman ng Barangay Kaligayahan Novaliches Quezon City kasama ang kanyang abogado na si Atty. Rosalinda Montenegro nilabag umano ni Chairman Roxas ang Joint Circular number 1 ng Civil Service Commission o CSC at Commission on Elections o COMELEC na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng anumang resources ng gobyerno kasama ang mga empleyado para mangampanya pabor sa isang kandidato o partido.
Batay sa CSC COMELEC Joint Circular number 1 sinomang mapapatunayang lalabag ay papatawan ng parusang paglakatanggal sa tungkulin o kaya ay suspension.
Maliban sa reklamo sa CSC nauna ng sinampahan ni Miranda ng Disqualification Case sa tanggapan ng COMELEC dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code na nagbabawal na gamitin ang anumang resources ng gobyerno sa kampanya pabor sa isang kandidato o partido.
Vic Somintac