Re-enforcement sa Maute-ISIS group sa Marawi bineberipika ng militar

Inaalam na ng militar kung totoo na mayroong re-enforcement mula sa mga foreign jihadist ang Maute ISIS group sa Marawi City na kasalukuyan pa ring nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa Mindanao hour sa Malakanyang na mayroong inpormasyon na may mga grupong nagtangkang pumasok sa nalalabing stronghold ng mga teroristang Maute group sa Marawi City sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Ayon kay General Padilla kung totoong mayroong tangkang re-enfrocement sa mga teroristang Maute group sapat ang puwersa ng pamahalaan na nagbabantay sa Lake Lanao na ginagamit na exot at entry point ng mga terorista.

Inihayag ni Padilla na ang re-nforcement ay bahagi ng tactical move ng mga terorista para palakasin ang kanilang puwersa.

Umaasa si Padilla na patuloy na makikipagtulungan ang mga sibilyan na nasa paligid ng Lake Lanao sa pamamagitan ng pagbibigay ng inpormasyon sa militar upang maagapan ang pagpasok ng re-enforcement at pagtakas ng mga terorista sa battle zone.

Niliwanag ni Padilla na malaking tulong din ang pakikipagtulungan ng mga local officials sa pamamagitan ng paglagda ng manifesto ng 41 Lanao del Sur Mayors o Local Executives para mabantayan ang kilos ng mga terorista na nagtatangkang tumakas o pagpasok ng mga re-enforcement.

Idinagdag din ni Padilla na batay sa impormasyong nakuha mula sa mga hostage na nakatakas na ginagawang tagakolekta ng bala at pulbura ang mga nalalabing bihag na hawak ng mga teroristang Maute group.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *