Reciprocal Access agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan hindi dapat mauwi sa militarisasyon
Hindi dapat hayaan ng gobyerno na maging battleground ng ibang bansa ang Pilipinas.
Ito ang Iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel III kasabay ng paghimok sa mga kasamahan sa Senado na tiyaking hindi mauuwi sa militarisasyon ang isusulong na Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ayon sa Senador dapat matiyak ng Senado na magiging tunay ang partnership sa pagitan ng Japan at Pilipinas.
Hindi lamang ang mga sundalong Hapones dapat ang magtutungo sa bansa kundi bibigyan din ng pagkakataon ang mga sundalong Pinoy na magsanay sa kanilang teritoryo.
Ikinumpara pa ni Pimentel sa larong chess ang usapin kung saan hindi dapat pumayag ang Pilipinas na maging pawn na lamang ang mga Pinoy.
Nauna nang umalma ang Senador sa pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri agad raratipikahan ng Senado ang kasunduam kahit hindi pa nababasa at nailalatag nang maayos sa mga Senador ang nilalaman nito.
Samantala balik sesyon ngayon ang mga mambabatas matapos ang mahigit isang buwang bakasyon
Sinabi ni Zubiri una sa kanilang Agenda ang pagpapatibay sa panukalang 2024 National budget na inaasahang tatalakayin na sa plenaryo sa susunod na linggo.
Meanne Corvera