Reckless Imprudence cases dapat palakasin para katakutan – atty. Ariel Inton
Dapat repasuhin ang probisyon ng Revise Penal Code sa Reckless Imprudence cases .
Sa panayam ng Eagle in Action sinabi ni Atty Ariel Inton,dating board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, hindi kinatatakutan ang kasong reckless imprudence dahil nadadaan sa areglo ng isang driver na sangkot sa isang aksidente.
Aniya , maraming road accident ang naaareglo at sa huli ay muling nakakapagmaneho ang driver na sangkot sa aksidente.
Kung magpapatuloy ang naturang gawain –hindi makakamit ng kaanak ng mga biktima ang hustisya na kanilang hinahanap at patuloy lamang na dadami ang kaso ng aksidente sa mga lansangan.
“Ang dapat na katakutan sa batas ay mabago ang reckless imprudence , ang nangyayari po ito po no ..kapag may reckless imprudence case..pagdating sa pulis yung police pa ang magbo-broker ng settlement hindi dapat yun kailangan ang pulis antimano idemanda kaagad yung driver at hayaan mo yung piskal at tsaka yung judge ang mag ano sa settlement eh ang nangyayari dun sa pulis gustong isettle ..yung imbestigador mismo may settlement eh nawawalan tuloy ng lakas ng loob yung complainant .makakawala ang driver at ayun makakapagmaneho na naman yun”. -Inton