Recovery operations sa Bataan, nagpapatuloy
Patuloy ang isinasagawang recovery operations sa lalawigan ng Bataan.
Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga update sa operasyon sa MTKR Terranova.
Courtesy: PCG ADMIN
Ang BRP Sindangan (MRRV-4407) ay nagsagawa ng Sea Surface Surveillance at monitoring, habang nagsagawa rin ng Oil Sampling sa Ground Zero.
Ang 44-meter Coast Guard Vessel ay nag-spray ng dispersant at gumamit ng water cannon, upang mabawasan ang oil sheen sa ground zero.
Sinuri rin ng mga awtoridad ang mga katubigan sa paligid, sa pamamagitan ng Drone Aerial Surveillance.
Courtesy: PCG ADMIN
Ang kinontratang salvor na Harbour Star, ay nag-ulat na humigit-kumulang 47,000 litro ng langis ang nakolekta, na may rate na 9,000 litro kada oras, sa panahon ng pagsusuri sa pagtatanggal ng langis.
Samantala, sa MTKR Jason Bradley naman ay sinabi ng mga opisyal ng BRP Malamawi (FPB-2403), na walang oil sheen na naobserbahan sa pagsubaybay sa ibabaw ng dagat sa paligid ng tubig.
Courtesy: PCG ADMIN
Ang kinontrata namang salvor para sa MV MIROLA 1 na Morning Star, ay nagsimulang i-secure ang mga lugar kung saan nakadaong ang mga sasakyang pandagat para sa gagawing plugging, bilang paghahanda para alisin ang tubig-dagat mula sa nasabing Barko.
Aldrin Puno