Recruitment para sa mga posibleng makasama sa WHO solidarity trial, nagpapatuloy – DOH
Umabot na sa 1,065 pasyente sa Pilipinas ang makakasama sa gagawing solidarity trial.
Ang solidarity trial ay isang International clinical trial na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO) at layong makahanap ng bakuna sa COVID-19.
Nilahukan ito ng maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sa ngayon ay on- going pa rin ang recruitment nila para sa Solidarity trial na inaasahang magsisimula sa katapusan ng Oktubre.
Una rito, sinabi ng sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na may walong lugar ang napili para pagdausan ng trial.
Anim rito ay nasa Metro Manila, habang isa sa Calabarzon at isa naman sa Cebu.
Madz Moratillo