Red Monday unity, ikinasa ng mga kawani ng Korte Suprema

Muling nagsuot ng pula ang mga kawani at opisyal ng Korte Suprema sa Flag raising ceremony nila ngayong umaga.

Ito ay mahigit isang linggo matapos mapatalsik si Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice.

Pero ayon  sa Supreme Court Employees Association ito ay hindi bilang protesta kundi pagpapakita ng pagkakaisa.

Ikinasa ng grupo ang Red Monday unity para ipakita ang suporta at pagkilala sa desisyon ng  Supreme Court en Banc.

Inaasahan na pagkatapos ng flag raising ceremony sa Korte Suprema ay magbibigay ng pahayag ang mga asosasyon.

hindi lang anya ito suporta para sa walong mahistrado na bumoto pabor sa quo warranto petition laban kay Sereno, kundi maging sa anim na iba pang Justices na tumutol.

Ayon sa SCEA, nauunawaan nila na ang nangyaring resulta ng botohan sa Supreme Court Special En Banc Session ay bahagi ng demokratikong proseso ng Korte Suprema bilang isang institusyon.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *