Red tape sa pagpapadala ng disaster text alerts pinatatanggal ng ilang Senador

Sinisisi ni Senador Ralph Recto ang red tape sa mga ahensya ng gobyerno dahilan kaya hindi agad nakakarating sa publiko ang mga babala ng bagyo o kalamidad.

Batay sa Republic Act 10639, obligado na ang lahat ng Telecommunications Companies na magpadala ng libreng text sa kanilang subscribers tuwing may bagyo, lindol at iba pang kalamidad.

Pero ayon kay Recto sa kasalukuyang sistema, hindi ito agad naipadadala sa mga subscribers ang anumang babala dahil ang advisories ay kinakailangan pang aprubahan ng hepe ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Dahil dito, madalas aniya na tumama na ang sentro ng bagyo o marami na ang nabiktima bago naaabisuhan ang publiko.

Dapat aniyang ipaubaya na lang sa PAGASA o Phivolcs ang pakikipag ugnayan sa Telcos para mabilis na maipalaam ang mga emergency alerts o warning messages.

Sa ilalim ng batas hindi naman kinakailangan ang otorisasyon ng NDRRMC bago maipakalat ang emergency warning.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *