Red tide alert nakataas sa pitong coastal areas sa bansa

Photo: eaglenews.ph

May presensiya ng nakalalasong red tide sa mga baybayin ng pitong lugar sa bansa.

Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na ang shellfish na nakuha mula sa mga baybayin ng Milagros sa Mabate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at San Benito sa Surigao del Norte, ay nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison.

Dahil dito, lahat ng uri ng shellfish at alamang na galing sa nabanggit na mga lugar ay hindi ligtas kainin ng tao.

Gayunman ayon sa ahensiya, ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas namang kainin bastat ito ay sariwa, hinugasang mabuti at inalisan ng mga lamang-loob bago lutuin.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *