Red Tide alert, nananatiling nakataas sa ilang baybayin sa bansa
Nananatiling positibo sa Paralytic Dhellfish posion o Toxic red tide ang ilang baybayin sa bansa.
Batay sa Shellfish Bulletin No. 19 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ipinagbabawal muna ang paghango at pagkain ng mga lamang-dagat mula sa mga sumusunod na baybayin:
- Dauis at Tagbilaran city sa Bohol
- Daram island, Cambatutay at Irong-Irong bay sa Western Samar
- Calubian sa Leyte
- Murcielagos bay sa Zamboanga del Norte
- Balite bay at Mati city sa Davao Oriental
- at Lianga at Bislig bay sa Surigao del Sur
- Milagros sa Masbate
- Sorsogon Bay sa Sorsogon
- Dumanquillas bay sa Zamboanga del Sur
- Sapang Dalaga at Baliango sa Misamis Occidental
Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ng tao ang mga shellfish o alamang na makukuha mula sa mga nasabing baybayin pero maaari namang kainin ang mga isda, hipon at alimango basta’t tiyakin lamang na sariwa, naalisan ng hasang at naluto mabuti.
Samantala, ligtas inalis na sa Red Tide alert ang Cancabato bay sa Tacloban city at Tambobo bay sa Siaton, Negros Oriental.