Red Tide alert, nananatiling nakataas sa ilang baybayin sa Visayas at Mindanao

Nananatiling nakataas ang red tide alert sa ilang coastal areas sa Visayas at Mindanao.

Batay sa Shellfish Bulletin No. 17, series of 2021 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang dito ang mga baybayin ng:

  • DAUIS AT TAGBILARAN CITY SA BOHOL;
  • TAMBOBO BAY SA SIATON NEGROS ORIENTAL;
  • MGA BAYBAYIN NG DARAM ISLAND, ZUMARRAGA, CAMBUTUTAY, IRONG-IRONG, SAN PEDRO, MAQUEDA AT VILLAREAL SA WESTERN SAMAR.
  • CALUBIAN, CARIGARA, ORMOC BAY  AT CANCABATO BAY SA TACLOBAN CITY;
  • BALITE BAY AT MATI BAY SA DAVAO ORIENTAL;
  • MURCIELAGOS BAY SA ZAMBOANGA DEL NORTE.
  • AT MGA BAYBAYIN NG LIANGA AT BISLIG SA SURIGAO DEL SUR

Sa pinakahuling pagsusuri ng BFAR, positibo pa rin sa Palaytic Shellfish poison o Toxic red tide ang mga nasabing baybayin kaya hindi pa rin ligtas kainin ng tao ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha mula sa mga nabanggit na lugar.

Gayunman, maaari namang kainin ang pusit, hipon at alimango dapat lamang tiyakin na sariwa ito, nalinis at nalutong mabuti.

Please follow and like us: