Redefinition ng fully vaccinated solusyon para mapataas ang booster coverage ayon sa isang infectious disease expert

Naniniwala ang infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na dapat nang baguhin ang depinisyon ng fully vaccinated.

Sa pamamagitan nito ayon kay Solante ay mapatataas ang bilang ng mga nagpapa-booster.

Sa ilalim ng isinusulong na bagong depinisyon ng fully vaccinated, mula sa kasalukuyan na 2 dose ng bakuna lamang, isasama na ang 1st booster.

Kapag nangyari ito, at obligahin sa mga lugar ng paggawa, eskuwelahan at mga itinuturing na high risk areas na dapat ay fully vaccinated na tiyak marami na aniya ang magpapa-booster.

Una rito, sinabi ni Department of Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na inirekumenda na nila ang nasabing panukala sa Malakanyang pero hindi pa pabor dito ang Pangulo dahil baka magdulot ito ng kalituhan sa publiko.

Sa kasalukuyan, sa 72.8 milyong indibidwal sa bansa na naturukan na ng 1st at 2nd dose ng COVID- 19 vaccine, 18.7 milyon pa lang ang may 1st booster.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: