Reduction at hindi Recycling ang solusyon sa plastic pollution ng bansa- Greenpeace Phils.

Hindi recycling ang solusyon sa napakalaking problema ng plastic.

Ayon kay Angelica Pago ng Greenpeace Philippines, reduction o pagbabawas ng paggamit ng mga plastic ang kanilang ikinakampanya sa mga malalaking kumpanya.

Aniya, matagal nang inisyatiba ng recycling subalit hindi nababawasan ang problema dahil hindi sistematiko ang pagkakagawa at hindi rin maganda ang waste management system sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Batay din sa pag-aaral na ginawa ng Jambeck Research group sa University of Georgia USA, aabot sa 8 to 12 milyong tonelada  ng plastic ang napupunta sa ating mga karagatan taun-taon o katumbas ng isang trak ng basura kada minuto.

Dahil dito, muling nanawagan si Pago sa mga malalaking kumpanya na magbawas ng paggamit ng plastic sa kanilang mga produkto.

Napapanahon na rin aniya angpagkakaroon ng batas laban sa produksyon ng plasticat pagpapatupad ng nationwide plastic ban.

“Dito makikita natin kung gaano ka-seryso at gaano kalaki ang problema at kung paanong ang bawat isa sa atin, indibidwal man o komunidad at lalu na siguro kung gagalaw sa tamang direksyon ang mga korporasyong tinatawagan natin eh, magkakaroon tayo ng solusyon doon sa problema”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *