Reed Bank sa West Philippine Sea, malabo umanong makuha ng China- Justice Sec. Menardo Guevarra
Tiwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi kukuhanin ng China ang Reed Bank sa West Philippine Sea kapag hindi nabayaran ng Pilipinas ang utang nito.
Sa panayam kay Guevarra matapos ang oathtaking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Justice Reporters Organization o JUROR sa Maynila, sinabi nito na hindi dapat mabahala ang Pilipinas na kunin ng Tsina ang Reed Bank na sinasabing mayaman sa gas reserves.
Ayon sa kalihim, ‘far-fetched’ na mangyari ang nasabing scenario dahil maliit kung tutuusin ang 62 million dollars na utang ng bansa mula sa Chico River Pump Irrigation project.
Naniniwala si Guevarra na kayang mabayaran ng Pilipinas ang nasabing loan.
Saka naman anyang hindi mabayaran kaagad ang utang ay mayroon ibang mekanismo gaya ng loan restructuring at arbitratrion clause sa loan agreement sa China.
Dahil dito, binigyang-diin ni Guevarra na malabong mangyari ang pangamba na ipambayad utang ng Pilipinas ang mga ari-arian nito dahil mababa pa ang utang sa 100 million dollars.
Una nang nagbabala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng maipambayad utang ang Reed Bank sakaling hindi mabayaran ng Pilipinas sa pinasok nitong loan deal sa China.
DOJ Sec. Guevarra:
“So the matter on attaching or levying on properties belonging to the nation, medyo talagang in my opinion kind of far-fetched… we’re just really jumping the gun, parang we’re too well ahead of what may happen. We really don’t have too much to worry about because the amount of the loan is something like less than $100-million — relatively speaking, that’s a small amount in terms of our total foreign debt.”
Ulat ni Moira Encina