Refund sa fare hike sa LRT at MRT, dapat ipatupad sa halip na dagdag pasahe

                           photo credit: yahoo.com

Sa halip na dagdag pasahe, refund umano sa dating fare hike sa LRT at MRT rail systems ang dapat na ipatupad ng Gobyerno.

Tinawag ni Bayan Muna Partylist representative Carlos Isagani Zarate na sobrang pagkamanhid at pagkagahaman ang inihihirit na dagdag pasahe ng pamunuan ng LRT- Line 1 na lima hanggang pitong piso.

Binigyang diin ng Kongresista ma hindi ito napapanahon lalo na ngayong lalong naghihirap ang publiko dahil sa epekto ng TRAIN Law.

Apila ni Zarate sa Korte Suprema, desisyunan na sa lalong madaling panahon ang matagal na nilang petisyon noong 2015 na kumuwestyon sa basehan ng taas pasahe sa LRT at MRT noon.

Giit pa nito, ipinatupad ang fare hike sa ilalim ng nakaraang Aquino Administration para sa improvement ng Rail system service pero puro aberya pa din naman ang nangyayari.

Bukod rito, kumikita naman aniya ang LRT at MRT kung saan noong 2014 ay nasa 2.2 bilyong piso umano ang inabot na ticket sales ng MRT habang 1.8 billion lamang ang operational expenses nito samantalang 2.5 billion ang kita ng lrt at mahigit 1 billion lamang ang ginastos nito.

 

Ulat ni Madz Villar

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *